• Bahay Sulat
    • Kunis>
      • Dudong Daga>
        • Basahan>
          • Seksing Patatas>
            • Antinyakis>
              • Princess Cindz>
                • Misspogi>
                  • Lawin>
                    • Paru Parosas>
                      • Wind Up Bird (Squeezer)>
                        • Mariyey del Rio>
                          • Anino>
                            • Hinaharap>
                              • Matalabong Kwago>
                                • Gawa ng Iba pa
  • LSKwebmag
  

Ano ba ang feeling ng INLOVE?

03/22/2011

17 Comments

 
Picture
Ano ba ang feeling ng inlove?

Sa mga oras na ito ay gusto ko ng matulog at magpahinga dahil masama ang aking pakiramdam. Ngunit biglang nagteks ang kaibigan kong si kunis at nakipagdaldalan na naman sakin kaya pareho na naman kaming mukang tanga. Tumatawa ng malakas habang nagbabasa ng usapan namin sa teks. Madalas kaming magkwentuhan ni kunis sa teks at talaga naman napupuyat kami dahil pareho kaming madaldal. Pero itong usap namin na ‘to ay tila kakaiba. Tungkol sa pag-ibig na wagas. Wag kayong masyadong ma-excite dahil ako po ang bida dito at hindi si kunis. =)

Naranasan mo na bang mapagpawisan ng kilikili dahil kasama mo ang nililigawan mo? E ang magpaganda para pansinin ka ng kras mong varsity player? Tumambling ka na ba sa harap ng isang taong espesyal sayo para lang mapatawa mo siya? Aminin man natin o hindi,nakakahiya yun pero gagawin natin ang lahat para sa minamahal natin. Ganun ang feeling ng isang inlove! Parang nasa ulap,masarap mag daydreaming kesa kumain. Masarap halikan ang litrato nya na ilalagay mo sa ilalim ng unan mo hanggang sa hindi ka na makakatulog kakaisip sa kanya. Masarap ang feeling na nakakasama mo lagi ang isang taong mahal na mahal mo at mahal ka rin pala. Para kang tumama sa jackpot kapag sinagot ka ng babaeng pinapangarap mo at taimtim mong pinagdasal. Hindi ako maganda at lalong hindi naman headturner na babae. Pero alam ko at kabisado ko kung seryoso sa panliligaw o pinagttripan lang ako ng isang lalake. Katulad ng isang nangyari sakin nuong ako ay nasa kolehiyo pa lamang. Madalas ko siyang makasakay sa jeep papuntang skul at pamilyar na kami sa itsura ng isat isa pero hindi kami naging magkaibigan dahil malamang ay nasusupladahan siya sakin. Naging routine na namin ang magsabay papuntang skul hanggang sa isang araw ay dumating ang pagkakataon na hindi ko inaasahan. Sabay kaming bumaba ng jeep at pumasok sa eskwelahan. Naglalakad ako nang bigla nya akong tinawag “miss miss! Panyo mo nalaglag o” habang hinihingal siya at grabe ang pawis kahit na tag ulan nung mga panahong yun. “ay hndi sakin yan kuya” sagot kong nakangiti sa kanya.. “a ganu ba? Sorry akala ko sayo e” tumalikod na ako sa kanya ng biglang tinawag na naman nya ako “miss!teka lang.pwede magtanong?aaahh.. ehh.. aaahh.. anong oras na?” nanlaki ang mata ko sa tinanong nya sakin at muli ko na naman siyang nginitian. itinuro ko ang malaking orasan na nakakabit sa may gate namin na nasa harapan lang naman nya “kuya ayun po o! nakalimutan mo ata na ang laki ng relo sa may gate natin. Relax ka lang! kinakabahan ka ba sa exams mo?” hindi siya nakapagsalita sa tinanong ko at nakatitig lang ang mokong sakin “are you alright?” tanong ko uli sa kanya. “a oo ayos lang ako! Pwede ko bang makuha number mo?” biglang humangin ng malakas sa paligid namin at bumaligtad ang payong ng isang lalakeng dumaan sa harap namin. “bakit number ko hinihingi mo hindi yung name ko?” tanong ko sa kanya. Nagulat ako sa sinagot nya saakin “kilala na kita! Sa araw-araw ba naman kitang nakakasakay e ikaw si patatas diba? 2nd year at sumasayaw kayo lagi ng grupo nyo pag may general assembly at mga big event dito sa skul?Napapanood nga kita madalas e chaka andun rin ako nung lumaban kayu sa sketchers battle.kami nga yung may hawak na malaking banner e. tsaka diba Management ang course mo? naging kaklase mo ko sa isang subject pero di mo napapansin kase nasa likod lang ako at madalas absent ako”.. wow!! Napa-wow talaga talaga ako ng sobra sa sinabi nya. Hindi naman ako natakot sa kanya kahit na mukha syang stalker ko. Hindi nya naman masyadong alam ang buhay ko sa eskwelahan e no? Tinanong ko siya kung bakit nya hinihingi ang numero ko ng bigla siyang naging hari ng sablay sa paningin ko. Hindi ko alam kung tatawa ako ng malakas o magwo-walk out sa sinagot nya “a wala lang,bebentahan sana kita ng pastilyas at mani e joke lang”.. nagjoke pero hindi siya nakangiti.buti dumating ang mga kaklase ko para hilahin ako dahil male-late na kami. Kinawayan ko na lang sya at kinindatan para naman hindi siya masyadong mapahiya. Parang gusto nya pa ako habulin kaso wala na syang magawa. Simula nuon,hindi na kami nagpapansinan kapag nagkakasakay kami. Yumuyuko na lang siya tuwing nakikita ako. Gustuhin ko man siyang pansinin,pinipigilan ko dahil gusto kong matuto siya at magpakalalakeng humarap ng pormal saakin. At hanggang ngayon,sa maniwala kayo o sa hindi ay hindi ko nalaman ang pangalan niya. Limang taon na naman ang nakakalipas. Sana nakalimutan na nya ako. Sana,hindi na nya ginagamit ang istilo ng pagtatanong ng oras at ang joke tungkol sa pastilyas at mani.. hanga rin ako sa lalakeng yun dahil naramdaman ko namang malinis ang intensyon nya. Hindi nga lang nagtagumpay dahil sa katorpehan. Naramdaman ko rin sa kanya na sobra ang paghanga nya saakin kaya masaya na rin ako doon.

Masarap mainlove. Masarap ang pakiramdam na may nag aalalaga sayo at humahanga ng lubusan sayo. Para saming mga babae,kinikilig kami sa mga lalakeng pinapatawa at pinasasaya kami. Gusto rin namin kapag inaappreciate kami ng lalake..

<span>Paano mo malalaman kung ikaw ay inlove na?</span>

-kapag apektado ka na masyado sa pangaasar ng ibang tao sa inyo o kapag may konting kiliti kang nararamdaman sa tuwing may naririnig kang “jeeehheeee…uuuuyyyy…”

-kapag hinahanap mo sya lagi at nalulungkot ka kapag wala siya sa paningin mo.

-kapag lagi mo siyang pinagdadasal sa kaligtasan nya at labis ang pag-aalala mo sa kanya.

-kapag pinag alayan mo na siya ng isang kanta tapos maaalala mo na sya lagi sa kantang yun.

-kung ikaw ay tamad magload tapos pag nagteks sya ng dis oras ng gabi at halos kupitin mo na ang load ng mama mo dahil wala ng mapaloadan sa oras na yun para lang replyan sya,inlove ka nga!!!

<span>Paano mo malalaman kung inlove na sayo ang isang tao?</span>

-para sa mga lalake,kapag niyaya nyo mag date ang isang babae at sumama sya,pwdeng friendly date lang ang kalabasan nun. Pero kapag siya at todo porma at talagang nagpaganda,may gusto yan sayo!promise!!

-kapag walang humpay ang usap nyo sa teks at nagtatawagan kayu lagi,pwdedeng gawin ng magkaibigan yun parang kami ni kunis. pero kapag sinabihan ka na nya ng “kumain ka na ba? wag kang papagutom ha!” o kaya yung “ingat ka lagi ayokong mapahamak ka”.. nako! Nagpapakyut na yan..worried na e.

-kapag lagi siyang nagla-like o comment sa mga pictures mo sa facebook,pwdeng gawin ng tropa mo yun pero pag tineks ka nya at sinabing “ang ganda/gwapo mo sa pic na un kaya nilike ko.. inaappreciate ka nya kaya di malayong gusto ka nun.

-kapag bigla syang tumahimik at di ka pinansin,isipin mo maigi kung ano ba ginawa mo. kung niyakap at nagbeso lang kayo ng isang kaibigan mong opposite sex mo,malamang nagseselos na yan!!o kaya yung mga kwentong ex. Sapul ka dun!

-kapag nag share na sya ng pangarap nya sa buhay,future nya,at sinabi nya sayo ung tipo nyang babae/lalake na malapit sa katauhan mo,,pakiusap. Wag kang tanga. Nagpaparinig na yan sayo!! Ikaw yung gusto nya hello??!!

Sa sarili kong pananaw,masarap nga talaga ang mainlove. Ako kase yung tipo ng babae na pag dating sa minamahal ko,gusto ko siya lang. Tinatandaan ko kung ano ang paborito nyang ulam para pagaralan kong lutin.kinakantahan ko sya habang natutulog o kaya naman magsasayaw kami ng sweet dance. susuportahan ko siya sa pangarap nya basta masaya siya. Madaldal akong babae kaya gusto ko,hindi kami nawawalan ng kwentuhan kahit gaguhan na lang at wala ng kwenta pinaguusapan namin. yung parang wala na kaming pakealam sa mga taong nasa paligid namin basta kami lang ang magkausap at magkatinginan. Madalas akong magwala kapag may disminoriya kaya natutuwa ako sa lalakeng may lakas ng loob na magalaga saakin kahit parang nasa peligro ang buhay nya sa sobrang init ng ulo ko. Hindi ako materialistic na babae kaya hindi ako mahirap gastusan. Mas pipiliin kong kumain kami sa karinderya na tig apat kaming extra rice tapos madami pa rin kaming pinaguusapan o kaya naman uubusin namin ang pisbol ni manong habang nagtatawanan ng malakas. Masarap magmahal. Masarap ang may katuwang sa buhay. Masarap tuparin ang mga pangarap ng magkahawak kamay. At sa paglipas ng panahon,hindi nyo namamalayan na nagpapalitan na kayo ng salitang “I do” na magdadala sa inyo sa panibagong yugto ng buhay nyo at kahit anong mangyari ay habangbuhay na kayung magsasama at di na magkakahiwalay pa.

Maipapayo ko lamang sa mga magkasintahan na matagal ng nasa isang relasyon,wag na wag kayung magbabago kung ano ang inyong kinagisnan. Maaaring kilala nyo na ang isat isa at madami na kayong pinagdaanan pero sana ay wag nyong kalimutan ang importansya ng inyong pagkakaibigan. Respeto sa bawat isa.. Yan ang isang teknik para hindi magkasawaan at mabuwag ang pagsasama nyo. you must learn to appreciate each other. Kaming mga babae,sensitibo kami at madaling masaktan. Mapagbigay at talagang gagawin namin ang lahat para sa mga boyfriend namin. Alam naming madalas ay hindi showy sa mga nararamdaman ang mga lalake pero di ibig sabihin nun ay hindi nyo na kami mahal. Ang tanging magagawa nyo lang,iappreciate nyo ang bawat ginagawa ng girlfriend nyo sa inyo. Ipadama nyo sa kanila na kahit ano pa mangyari,patuloy nyo pa rin silang mamahalin at aalagaan sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumaan sa inyo. Parang cycle lang naman yan e. kung patagilid na ang pagasama nyo at pakiramdam nyo hindi na magwo-work,subukan mong bumalik sa umpisa. Subukan mong gawin ang mga ginagawa mo sa kanya nung nagliligawan pa lang kayo hanggang sa naging kayo.. Yung masasayang alaala,muli nyong ibalik imbes na magtalo kayo kung sino ang may kasalanan sa matindi nyong away.. at higit sa lahat,wag na wag kang gagawa ng desisyon na para lamang sa sarili mo at para saktan siya. Lagi mong iisipin ang kabutihan nyong dalawa dahil after all,kayong dalawa lang rin ang makikinabang dyan.

Para naman sa mga paulit-ulit na nasasawi sa pagibig,mga pare.. don’t lose hope! Everything happens for a reason (wala na akong henglish sa bulsa ko ha).. kahit ulit-ulitin mo sa sarili mo na hindi ka na magmamahal muli,hindi ako maniniwala sayo. Wala ng mas sasarap pa pakiramdam ng isang inlove. Tandaan natin na bawat sakit at sugat na nararamdaman natin,may kapalit na saya at aral. Mas lalo tayong magiging matibay at may baon na naman tayong leksyon sa puso natin. Alam ko ang pakiramdam na nasa alapaap at lutang sa saya tapos biglang lalagapak ka pababa ng walang kaabog-abog. Ang sakit nun chong!! Para kang hinila pababa tapos wala kang nagawa. Kaya kapag ganun,unti-unti kang bumangon at pagpagin ang sarili para maging malinis ka uli at sa pagbangon mo na yun ay wala ka ng bahid na kalat na bibitbitin. Minsan matagal,madalas nahihirapan tayo sa ganung sitwasyon at talaga namang hindi madali yun pero naniniwala ako na walang pinanganak sa mundong ito para mamuhay magisa. Dadating at dadating pa rin ang taong para satin. Kaya kung nasaktan at niloko ka,tuloy lang ang buhay. Baka nga magpasalamat ka pa sa ginawa niya dahil pinatibay ka nya ng bongga para sa isang taong nakatadhana talaga para sayo. Wag kang mawalan ng pagasa at wag mong kaawaan ang sarili mo sa ganung bagay dahil marami ang nagmamahal sayo kaya kapag sinayang mo ang buhay mo,para mo na rin hinampas ng bote ang ulo mo at sinabing wala kang kwentang tao. Minsan sa malayo pa tayo tumitingin at naghananap. Kadalasan,hintay tayo ng hintay at naeexcite tayo sa bagong boylet/chiks na irereto satin ng kaibigan natin. hindi natin namamalayan,nasa tabi lang pala natin ang taong pinagdadasal at pinapangarap natin.. kaya kung ako sayo kapatid,magi sip-isip ka na! hindi nakakabuti ang pagiging manhid.

Para naman sa mga torpe at natatakot mag commit sa isang relasyon,pakiusap. Wag na wag kayong makikipagkaibigan sakin kung ayaw nyong mabatukan ko kayo! Kapatid,ang babae ay nililigawan at sinusuyo ng matindi hindi yinuyukuan o tinititigan! Sa tanang buhay ko wala pa naman akong nabalitaan na babaeng nangain ng lalakeng may gusto sa kanya kaya wag ka matakot. Walang magandang naidudulot at pagiging torpe kaya kung gusto mong maranasan ang mainlove,wag ka ng magpatumpik-tumpik pa at lalong wag kang kabahan. Kung ano ka sa sarili mo ay hindi mo na kailangang baguhin dahil dagdag pogi points un para saamin. Sana mabasa to nung lalakeng nakakasabay ko nuon sa jeep para kahit papano ay malaman nya kung gano siya katorpe. Paano na lang pala kung ang gustong gusto mong babae ay may gusto rin sayo? Na hinihintay ka lang pala nya magtapat sayo? Hahayaan mo na lang bang dumaan sa buhay mo yun? Paano kung sya na pala ang taong nakatadhana para sayo? Pano ka na? pano kung yung lalakeng torpe na nkakasabay ko sa jeep na y n ay gusto ko rin pala dati? siguro iuuntog na lang nya sarili niya sa pader.

Uulitin ko. Masarap ang may minamahal at nagmamahal sayo. Kaya para sa lahat ng bumabasa nito,hangad ko ang inyong kaligayahan. Sa totoo lang,natutuwa ako kapag may natutulungan ako sa mga simpleng payo ko lalo na’t patungkol sa pag-ibig.Masaya ako sa kwentuhan namin ni kunis kahit sa oras na to ay tinulugan nya na naman ako. Sana hindi siya matunaw sa sinulat kong ito.=) Sana ay may kinapulutan tayong aral sa paksa na ito. At nakikiusap ako mga kapatid. HUWAG NA HUWAG NA HUWAG kayong mangingisda ng sabay. Iwasan ang mamangka sa dalawang ilog dahil hindi makakabuti sayo yun. Malakas si pareng karma,pakalat-kalat lang sa paligid kaya magingat at wag hinay-hinay..Muli,salamat sa walang sawa nyong pagtangkilik sa pahinang ito..


 


Comments

sharmaine T. banez link
06/13/2011 03:34

guyz..! sa tingin nio ano bang ibig sabihin kapag kinindatan ka ng may crush mo....?

Reply
reinz C.gurl
08/14/2012 21:32

cguro crush ka rin nya!or alam nyang crush mo sya.... :)

Reply
johanne
06/13/2011 23:41

may gusto sya sayo

Reply
rosemare
06/24/2012 00:18

yan ay may guztoo cya sau.......???????

Reply
sweetheart
05/23/2012 02:47

hi,,
sapul me sa mga tip mo..eh pano ko mlaman na may gusto sya sa akin?!sabi kc ng mga freind ko my something sya sa akin kc ramdam nila..eh bat d ko ramdam!!o manhid lang tlga me..sbi nila pg di me nkatingin..sya ang nka tingin sa akin..pano ko b malaman..nkkatawa kc we r in adult stage and profesional na din..pero bakit parang bumalik ako sa pag ka teen ager na nag ka crush at na fall inlove sa isang guy..grabee ma tlga feelings ko sa knya..hindi nman kmi laging mgksama pero nadedeveloped na ko sa knya ng todo..pag b palagi nsa isip mo..iniisip ka rin b ng guy..ktulad ng sinbi mo sa kwento u..before k mtulog naiisip mo,,pag gising sya pa rin..ganun din kaya sya akin?!hindi kc sya halata..he kol me secretly sweetheart..kaya un gnamit ko code name..nabisto kc sya ng tao ko at narinig sya he call me sweetheart..wat do u think my pg tingin din kaya sya sa akin..npaka profesilnal kc ng relation nmin wlang personal..ni hindi nga sya nag ask about my status..kaya hindi ko maisip na my pagtingin din sya sa akin...haaay sa sobrang curious ko nag search pa ko sa google yol i found ur story b or advise lang sa mga inlove..
sana mgkaron ng ksagutan itong mga katanungan ko..nkakqbaliw tlga..lalo na pg inlove k..
thanks po...

Reply
( crush ng bayan ) link
12/23/2012 18:12

grabe naman yan ang taas

Reply
edilyn
06/07/2012 00:26

panu kung ung girl may gusto n s bestfriend nia ... ? ipagtatapat nia ba ito o indi na at itatago nalang .. ang hirap po kc ... indi ko alam kung meon ng gus2 saken c besfriend kaya hanggang ngaun gulong gulo pa din ako :((

Reply
reinz C.gurl
08/14/2012 21:39

alam mo..pareho tayo ng pinagdadaanan...ganyan din yung nagyari sakin b4..may best friend din ako....matagal na kaming mag kaibigan mga less than 4 years na kaya lang nitong taon nagka relasyon kami...pero di rin kasi nag tagal ...nakipag break na agad siya sakin kasi mas mahal nya yung ex nya..nalaman ko lang nman noon na may gusto sya sakin ng iba na yung..pinapakita nyang concern...masyado na siang sweet at palaging nag-aaalala,at higit sa lahat nag seselos pag me kasama kang ibang guy!palagi niyang sisiraan...

Reply
maria link
06/30/2012 01:06

ilan taon ba pwede mag bf/gf?

Reply
hmasna
12/28/2012 04:50

Magandang gabi!! Sa iyo, Maria, walang matibay na batayan kung kailan dapat magka girlfriend o boyfriend, subalit sa kultura natin, mas gugustuhin nating mapasok sa isang relasyon sa gulang na 18, o higit pa, because at that age, it is presumed that we know how to balance love and academics/work. Kung ang pag-ibig ay nakakapagbigay ng inspirasyon, ang pag-ibig din ang maaaring makapagbigay ng desperasyon. Kaya, LOVE RESPONSIVELY!!! Good luck, iha, at patnubayan ka nawa ng Maykapal. B-) - Henry, m/36 yo

Reply
edgardo
06/30/2012 01:18

pano po pag pinagbwalan ka ng mga magulang mo na magka gf/bf

Reply
hmasna
12/28/2012 04:58

Magandang gabi!! Sa iyo, Edgardo: ang sinasabi mong di umano'y pagbabawak bg nga magulang na magka bf/gf ay maaaring menor de edad ka pa lamang, at pressumably ay nag-aaral pa. Gaya ng nasabi ko kay Maria, kung ang pag-ibig ay napagkukunan natin ng inspirasyon, ang pag-ibig din kung minsan ang nagdadala sa atin ng kalungkutan at kawalang pag-asa. Maaaring ang pagbabawal ng mga magulang mo na magka gf ka ay dahil kilala ka nila pagdating sa aspetong iyan, at sila, silang nauna nang makaranas umibig, ay alam na ang mga panganib na kaakibat at nakaamba sa landas na tatahakin mo bilang mangingibig. Iniiwas ka lamang nila sa kapahamakang maaari mong danasin nang wala sa panahon, at hindi nila sinasagkaan ang kaligayan mo. Nawa'y nabigyang linaw ang katanungan mo. Good luck and God bless, iho. B-) - Henry, m/36 y.o.

Reply
gei link
07/26/2012 06:27

hindi ko hanap ang ma inlove sa kanya pero isa lang ang patutunguhan ko, mahal nya ako mahal ko rin sya....

# rowen

Reply
reinz C.gurl
08/14/2012 21:35

hi po!...sa lahat pwedi po bang mang hingi ng advice?may ex po kasi ako,at est friend ko rin siya before pero po nag break kami kasi nag kabalikan din sila ng dating gf nya...so kasi mag kapit bahay lang kami,iisang wall lang ang pagitan namin kaya araw-araw ko pa rin syang nakikita?ano po ba ang gagawin ko para totally maka moved on na talaga ako??thank you po!...sa advice!... :) <3

Reply
Window
10/29/2012 13:34

kakatuwa nmn reinz c. gurl pareho pa ng sakin... pader lang din ang pagatan nmin... lumulusot ako lagi sa bintana nila ... kaya window nalang nilagay ko name hehehe... sarap ma in-love totoo ... kaso hirap maka move - on... lalo na yung tipong ginawa ko na lahat paging kami lang ulit... naging kami nga 1 day lang . . . mas gusto nya maging mag kaibigan kami pra daw habambuhay ... mejo malaki age gap nmin kaya mejo alangan ... 7 years kya nag antay ako hanggang maka graduate sya ng collage ... kasi unang pag kakilala namin kalilipat ko lang nmin sa bahay na yun ... 2nd year high school sya nun ... hanggang ngayon nagkikita kami at nagpupunta pa rin ako sa kanila kahit alam ko wala na pag-asa kahit umalis nako samin para lumayo at maka moved on ... sumuko nalang ako ng minsan sinabi nya nagmamahal din sya ng babae... kaya para sakin bigla bumagsak ang pangarap ko na makasama sya habang buhay. . . pero kahit ano gawin ko may mga araw na sumasagi pa din sya sa isipan ko lalo na pag naalala ko yung mga hirap at saya ginawa ko nung mga oras na nakakasama ko sya ... kaso parang mas lalaki pa sakin yung mahal ko magaling mag basketball at mag billiards ... lahat na yata ng trip nya sinakyan makita ko lang sya kahit ang makipag laro ng CHINESS GARTER SA KANYA ( NABALIAN PA NGA AKO DAHIL DUN HAHAHA) ... . lahat na yata trip nya sinakyan ko... Dahil mas matanda ko sa kanya at ako ang nakaka unawa... siguro balang araw ma REALIZE nya yun balang araw... kung pede lang mag pakababae makasama ko lang sya gagawin ko... Kaso SOBRANG NAKAKAHIYA NA YUN!

Reply
jk
11/01/2012 09:53

sa wakas naintindihan k
Rin ang MA INLOVED SALAMAT PO SA MGA OPINION NYO MAY NATUTUNAN PO AKO SALAMAT PO ULIT.....

Reply
jk
11/01/2012 10:01

MAHAL NA MAHAL KO PO TALAGA ANG CRUSH KO PO KASO DALAWA po ang crush ko hindi ko po alam ang gagawin pero yung nabasa ko lang po lahat naliwanagan ako sana makuha ko na ang oo nya hehe........hindi naman masama mangarap DIBA

Reply



Leave a Reply

    Seksing Patatas

    Ang manunulat naming seksi pero libagin. Ayon sa Wikipedia, isearch niyo na lang guys.

    Archives

    May 2011
    April 2011
    March 2011

    Categories

    All

    RSS Feed


Create a free website with Weebly